Sa isang konserbatibong bansa at sa isang modernong panahon, isang malaking issue pa rin kung ang isang tao ay nabibilang sa third sex. Marahil, marami sa ating mga Pilipino ang nakaka-relate sa ganitong issue.
Bakit nga ba maraming takot ang lumantad sa kung ano talaga ang kanilang kasarian o sexual preference? Hindi ko alam kung merong nalathalang pag-aaral tungkol dito pero sa ngayon, eto ang naiisip kong mga dahilan.
1. Outcast as a family member. Marami na tayong naririnig at napapanood na mga kwento tungkol sa ego ng isang pamilya, lalo na ng isang ama na ikinakahiya niya ang pagkakaroon ng isang anak lalo na kung ito ay isang bakla. Masyadong nasasaktan ang kanyang ego at hindi niya matanggap na mula sa kanyang lahi ay magkakaroon siya ng anak na ganito. Parang isang sumpa ang turing kung magkakaroon siya ng isang anak na bakla. Ang pinakamasakit nito ay sa mismong tahanan pa nagsisimula ang unang pagtatwa sa isang anak na miyembro ng third sex at madalas dito ay nangyayari sa isang anak na bakla.
2. Discrimination. Marahil ay hindi lingid sa atin, mapa-straight man o hindi, ang ganitong kaganapan sa pang araw-araw nating buhay. May nakikita tayong pangungutya o pang-aalipusta sa mga taong nabibilang sa third sex. Kadalasan sila ay pinagtatawanan, nililibak, binabastos, hinahamak, at kulang na lang ay batuhin hanggang sa mamatay sa kadahilanang hindi sila nabibilang sa isang "normal" na lipunan na mismong ang kanilang lipunang ginagalawan ang siyang nagdidikta kung ano ang "normal" at "hindi normal." Simula pagkabata, hanggang sa pag-aaral, maging sa pinapasukang trabaho, pati na sa komunidad ay palasak ang pangungutya.
3. Mortal sin. Sa isang bansang Kristiyano, namulat tayo sa mga pangaral na mula sa bibliya. Na kapag ang isang tao ay nabibilang sa third sex, ito ay isang mortal sin at impyerno agad ang kakasadlakan nito. Pero mismong sa hanay din ng iba't ibang sekta o relihiyong Kristiyano ay marami din ang nabibilang sa grupo ng third sex na mga naglilingkod dito. At wala pa akong nababalitaan na mga programa nila na dibdiban at sinserong mag-aakay sa mga taong kung ipinangangalandakan ay "doomed" na agad bago pa man mamatay o husgahan ng kalangitan pagdating ng takdang panahon.
Kung ganito ang isang klase ng lipunan na ginagalawan natin, simula sa pamilya, komunidad at pati na rin sa simbahan, ang siyang magdidikta kung ano ang "normal" at "hindi normal" ay talagang marami ang nabibilang sa third sex ang natatakot na lumantad. Hindi natin masisisi ang ibang mga tao kung hanggang ngayon ay takot silang ilabas ang totoo nilang pagkatao at nanaisin pa nilang dalhin ito sa kanilang hukay dahil hindi sila "safe" kung sakaling lumantad man sila. Sobrang madaming isasaalang-alang bago lumantad ang isang tagong nabibilang sa third sex. Sobrang maagrabyado sila sa dami ng mga makikitid na utak na hindi sila tanggap. Kayat hanggang ngayon ay marami pa rin ang nanatiling nagtatago dahil "threatened" sila sa magiging mangyayari sa kanilang buhay.
Dito sa Pilipinas ay may support group tungkol sa third sex o LGBT community. Pero sa tingin ko, bubot pa ang support group na ito. Hindi pa ganon ka agresibo ang isang manhid, bingi, at mapanghusgang lipunan na tanggapin ang mga nabibilang dito. Hindi ko rin alam kung pagkatapos ng isang daang taon ay tuluyang maging malaya na ang bawat isang nabibilang sa third sex na lumantad nang walang pag-aalinlangan dahil ang kanyang pamilya, komunidad, at simbahan ay mas bukas ang isip at gumagawa ng mga hakbang at programa upang ang bawat isa ay matawag na anak, kaibigan, at nilalang ng Dakilang Maykapal.
Ang isang paglalantad o coming out sa tunay mong kasarian o sexual preference ay isang mahalagang desisyon na tanging ikaw lang ang makakapagpasya.
Sa mga magigiting at matatapang na mga nilalang na buo ang loob sa pagharap sa mundo at hindi nahihiya kung ano ang kanilang sexual preference o orientation, saludo ako sa inyo. Sobrang naging matatag kayo para sanggain ang lahat ng sakit, panlalait, panlilibak, pananakit, at kung anu-ano pa at magpahanggang ngayon ay nanatili pa rin kayong nakatayo at patuloy na lumalaban. Buong tapang nyong hinarap at nilagpasan ang isang balakid ng pagpapanggap na hindi kaya ng nakakarami dahil sa takot.
Samantala, kung sa tingin mo ay magiging malaking hadlang o balakid ang paglantad mo at magiging isa itong habang buhay na pasanin o di kaya'y hindi ka pa handa sa anumang sasabihin o pakikitungo sa iyo ng mga tao sa iyong paligid, nararapat lang siguro na manatili ka muna sa loob ng aparador (kung may aparador ka). Nararapat lang na protektahan mo ang iyong sarili at kung ang solusyon dito ay mananatili kang nagtatago sa likod ng isang anino, gawin mo. Kung sa tingin mo ay may mga tao sa paligid mo, katulad ng pamilya at mga hindi mapanghusgang mga kaibigan, maiintindihan ka nila kung sakali mang naisin mong ipaalam sa kanila ang totoong ikaw. At sa ibang mga tao? Hindi mo kailangang ishare ang buhay mo o ipaliwanag kung ano ang gusto mo. Basta ang mahalaga, kahit ano man ang preference o sexual orientation mo, buo ang respeto mo sa iyong sarili.

Ikaw, ano ang masasabi mo? Pwede kang mag iwan ng responsableng komento. Salamat.